Friday, February 2, 2007

Isang Hangal

Matalino ka nga,
pero isa kang hangal.
Guwapo ka nga,
pero isa kang hangal.
Magaling ka ngang kumanta,
pero isa kang hangal.
Magaling ka ring tumugtog,
pero isa kang hangal.
Magaling ka pang magsulat,
pero isa kang hangal.
Nakaktawa ka nga,
pero isa kang hangal.
Lahat gusto maging kaibigan ka,
pero isa kang hangal.
Maraming humahabol na babae sa'yo
pero isa kang hangal.
Minahal kita ng lubusan,
kaya't mas malaki akong hangal.

No comments: