Friday, February 2, 2007

Hangin sa Aking Kamay

Nang ika’y nakita, nawalan ng hininga,
Ang mundo sa paligid, sa paningin ko’y nabura
At ikaw lamang ang nadadatnan ng mga mata,
O, kay lakas ng iyong hiwaga.

Nang ika’y makilala, wala nang ninais na iba,
Isang sulyap mo lamang ay sapat na
Para mabihag ang puso’t kaluluwa,
Kahit ang ngiti sa mukha, tila’y di na mawawala

Mga kulay ay sumabog sa paligid na dating walang sigla,
Buong mundo ko’y gumanda,
Mga ibon sa paligid ay kumakanta
Gumigising na may malaking ngiti sa mukha.

Ngunit tulad ng isang hangin sa aking kamay,
Na sa ilang sandali, nawala ng parang bula
Sapagka’t ang katotohana’y sumiklab na,
At ang sabi nito’y di na tayo muling magkikita.

No comments: